Para sa Masa
Itong tula ay para sa masa
Alay ko sa mga walang pera
Para ‘to sa mga mahihirap
Sa bihira lang datnan ng sarap
Kapatid ko, wag kang mag-alala
Kung sa lahat ng bagay salat ka
‘Di naman kasi ito dahilan
Para mawalan ka ng pag-asa
Konting tiis lang, konting tiyaga
Makukuha rin ang ninanasa
Doon sa langit tayo titira
Doon tayo magsasama-sama
Kung ikaw ay nagugutom minsan
‘Wag agad iiyak, ayos lang ‘yan
Kung sa pananamit ika’y kulang
Paglaba’y iyo na lang dalasan
Masarap na pagkai’y wala ka
Ngunit meron ka namang kasama
Kahit tuyo lang ay okey ka na
Tama ‘yan, ganyan dapat talaga
Merong araw din namang busog ka
May araw na masaya’t masigla
Kung minsa’y nakangiti ka pa nga
Ayos, paminsan-minsa’y tumawa
Sa mga araw na lumuluha
Kalungkuta’y iyong binabata
Isipin mong ‘di ka nag-iisa
Kaylanma’y ‘di ka iiwan Niya
Ito’y naaalala mo pa ba
Tayo’y magkakasamang masaya
Mga kanta’y hinandog sa Kanya
Sa pasalamat ay nagka-isa
Binigyan Niya tayo’ng ligaya
Para sa atin, ito’y sapat na
Kapatid, magpakatibay ka nga
Manatili tayo sa Iglesia
㊖㋕㋡㋾
- Eduard Kenneth Au
- Qur'm, Muscat, Oman
- I'm a peculiar geek. An unusual computer nerd. I don't like evil. I only hang out with friends that I know all about. I like being good. I enjoy being a Christian. Though I am tall physically, I am small in reality. I am nothing compared to my brethren. I love them so much! I miss them all!!! My brethren are cool, and by cool, I mean totally sweet!!!