Kung Mayaman Ka…
Kung mayaman ka, huwag magyabang,
Kapwa’y tulungan at magpautang.
‘Wag gamitin ang pera sa layaw,
Sa Iglesia ay tumulong ikaw.
Ang walang makain ay bigyan mo,
Gaya ng asal ng ating Guro.
Ika’y mag-abuloy na may galak,
Umisip ng mabubuting balak.
Magagarang damit ay ‘wag bilhin
Kung hindi kailangang gamitin.
Pamumuhay ay gawin mong payak,
Dapat simple lang lagi ang gayak.
‘Wag ka ngang magarbo sa pagkain,
Basta’t mayroon kang nakahain.
Huwag kang bibili ng alahas,
Baka mapasama ka sa ahas.
‘Wag nang mamasyal pa sa kung saan,
Kung pera’y uubusin mo lamang.
Dalawin mo na lang ang kapatid,
Ligaya ay iyo ngang ihatid.
Bihira lang ang mayaman, ‘di ba?
Ganon lang talaga, maswerte ka!
Ngunit ‘wag tumaas iyong isip,
Magpakumbaba ka, oh kapatid.
Ginto’t salapi ay nauubos,
‘Di tulad ng pag-ibig na lubos.
Kapalaran sa langit ay tingnan,
At huwag ang pang-lupang kayamanan.
‘Di po kita pinangungunahan,
Alam kong ako’y isang hamak lang.
Ang akin lang ay mapayuhan ka,
‘Yan ang gawin mo, kung mayaman ka.
㊖㋕㋡㋾
- Eduard Kenneth Au
- Qur'm, Muscat, Oman
- I'm a peculiar geek. An unusual computer nerd. I don't like evil. I only hang out with friends that I know all about. I like being good. I enjoy being a Christian. Though I am tall physically, I am small in reality. I am nothing compared to my brethren. I love them so much! I miss them all!!! My brethren are cool, and by cool, I mean totally sweet!!!