Si kapatid na Daniel Razon po
Ay isang tunay, totoong sugo
Kay Bro Eli nga po s’ya natuto
Mga hiwaga, banal na turo
Mula pagkabata’y inaralan
Hanggang sa kanyang kasalukuyan
Pag-aaral n’ya ng kabanalan
Tunay na hindi matatawaran
Trabaho ay hindi n’ya inuna
Nang tungkulin ay malubos niya
Tunay na mabuting halimbawa
Sa lahat ng may pagkaunawa
Sarili ay di iniintindi
Mabubuting gawa ay marami
S’ya’y hindi nagbabaka-sakali
Kasiguruha’y taglay parati
Siya po ay laging nakahanda
Sa mga kabanalang pag-gawa
Pananampalataya’y masigla
Siya’y kahanga-hanga talaga
Sa kapwa, siya ay matulungin
Sa aral siya ay masunurin
Kanyang salita atin ngang dinggin
Nang sa buhay nga ay pagpalain
㊖㋕㋡㋾
- Eduard Kenneth Au
- Qur'm, Muscat, Oman
- I'm a peculiar geek. An unusual computer nerd. I don't like evil. I only hang out with friends that I know all about. I like being good. I enjoy being a Christian. Though I am tall physically, I am small in reality. I am nothing compared to my brethren. I love them so much! I miss them all!!! My brethren are cool, and by cool, I mean totally sweet!!!