Noong ako’y bata pa, aking ninasa
Tunay na kaibigan ay makakilala
Nang makasama sa hirap at ginhawa
Ako ay naglakbay ng malayo-layo
Ginamit ang lakas pati ang oras ko
Upang siya’y hanapi’t makita ko
Ngayon ngang ako’y matanda’t may isip na
Tunay na kaibiga’y natagpuan na
At kami’y hindi na maghihiwalay pa
Binigyan niya ako ng inspirasyon
Upang tuparin ko’ng aking mga misyon
Sa buhay, sa lahat ng aking panahon
Sa akin siya ay nagbigay ng tuwa
Tinuruan akong laging maging handa
Kabutihang asal n’ya’y kahanga-hanga
Itong tula, sayo’y aking inaalay
Sana’y ganyan ka palagi, kasangbahay
Ika’y naging halimbawa ko sa buhay
Oh, kaibigan kong tapat at totoo
Sa hirap ay asahan mo rin nga ako
Kung kaya ko’y lagi akong sasaklolo
At sa saya ay sasamahan din kita
Hinding-hindi ka maiiwang mag-isa
Sa akin nga sana ay magtiwala ka
Sa ‘di nakikita lang tayo tumingin
Magdalahan tayo ng ating pasanin
Tungkulin ay sabay nating tatapusin
㊖㋕㋡㋾
- Eduard Kenneth Au
- Qur'm, Muscat, Oman
- I'm a peculiar geek. An unusual computer nerd. I don't like evil. I only hang out with friends that I know all about. I like being good. I enjoy being a Christian. Though I am tall physically, I am small in reality. I am nothing compared to my brethren. I love them so much! I miss them all!!! My brethren are cool, and by cool, I mean totally sweet!!!