Bagong taon ng may kabanalan
Ay puno ng saya’t kagalakan
Walang paputok o torotot man
Kundi hiwaga na sakdal inam
Maagang-maagang nagsihanda
Mahabang b’yahe ay tiniyaga
Sa Apalit ay nagsama-sama
Upang magpasalamat sa Kanya
Tatlong buwan na pera’y itinabi
Sa abuluyan nang makasali
Nagbibigay na mayroong ngiti
Kaligayaha’y bakas sa labi
Mga pinananabikang aral
Ay buong araw na inuusal
Kahit hindi makapag-almusal
Wag lang ma-late sa oras ng dasal
Buong galak na nagsisiawit
Sa Diyos Ama na nasa langit
Gumagawa ng sa kaya’y higit
At di na nagtatanong kung bakit
Halina kapatid at magsaya
Panibagong taon sumapit na
Paglilingkod natin sa Kaniya
Ay atin ngang mas paghusayan pa
Problema’y huwag munang pansinin
Unahin ang pag-aalay natin
Mga kaalitan ating batiin
Pakikipagkasundo ay gawin
Turo ni Ingkong iyong pakinggan
Hanggang doon sa buong magdamagan
Siya ay huwag mong tutulugan
Upang aral ay ‘yong matutunan
㊖㋕㋡㋾
- Eduard Kenneth Au
- Qur'm, Muscat, Oman
- I'm a peculiar geek. An unusual computer nerd. I don't like evil. I only hang out with friends that I know all about. I like being good. I enjoy being a Christian. Though I am tall physically, I am small in reality. I am nothing compared to my brethren. I love them so much! I miss them all!!! My brethren are cool, and by cool, I mean totally sweet!!!