Bro Lito Nambio
Sa inyo, ako ay may ikukuwento
Isang lalake na tunay na maamo
Ang pangalan niya ay Carlito Nambio
Sa kasipagan niya ay walang tatalo
Siya ay malinis at tunay na tapat
Laging nagbibigay ng higit sa sapat
Pananalig niya’y hindi mawawalat
Kahit ang araw ay di na sumikat
Siya ay hindi may mainiting ulo
At hindi rin nag-uugaling magulo
Sa pagkakatipon ay laging nadalo
Ang ugali n’ya ay tunay na panalo
Lagi s’yang nagwawalis ng kalat
Sa kahinahunan siya’y hindi salat
Ang alay ko sa kanya ay isang sulat
Kabutihan ny’a’y halos di ko masukat
Sana’y lagi kang ganyan, Brother Carlito
Ako po sa iyo ay sumasaludo
Dahil nga po sa mga pagpapagal mo
Na alam po naming bukal sa ‘yong puso
Tumatanda nga man po ang iyong balat
Kabanalan mo po’y hindi naglilikat
Pagiging asin mo’y tunay na maalat
Batid ko po iyan sa aking ulirat
㊖㋕㋡㋾
- Eduard Kenneth Au
- Qur'm, Muscat, Oman
- I'm a peculiar geek. An unusual computer nerd. I don't like evil. I only hang out with friends that I know all about. I like being good. I enjoy being a Christian. Though I am tall physically, I am small in reality. I am nothing compared to my brethren. I love them so much! I miss them all!!! My brethren are cool, and by cool, I mean totally sweet!!!