Ang Kaibigan kong si Mark
Ako ay may isang kaibigan
Mark nga po ang kaniyang pangalan
Siya’y tunay na maaasahan
Sa oras ng pangangailangan
Kahit na siya po ay may hika
Sa pasalamat di nawawala
Tunay po na matiyaga siya
Sa kabanalang ginagawa n’ya
Siya’y hindi madaldal na tao
Siya rin ay isang pasensyoso
Kahit nga po siya’y may talento
Di niya pinagyayabang ito
Siya nga po ay hindi magastos
Salapi n’ya’y hindi inuubos
Nang pag-aabuloy ay malubos
Sapagkat ito nga po ay utos
Siya po ay tinitingala ko
Dahil po sa mga nakita ko
Siya’y isang matuwid na tao
Aral ay tinutupad, totoo
Oh, Mark, aking kaibigang tunay
Sa pag-ayuno ika’y magsanay
‘Pagkat ito nga ay pampatibay
Para ‘di magapi ng kaaway
㊖㋕㋡㋾
- Eduard Kenneth Au
- Qur'm, Muscat, Oman
- I'm a peculiar geek. An unusual computer nerd. I don't like evil. I only hang out with friends that I know all about. I like being good. I enjoy being a Christian. Though I am tall physically, I am small in reality. I am nothing compared to my brethren. I love them so much! I miss them all!!! My brethren are cool, and by cool, I mean totally sweet!!!