Salamat sa Dios!
Salamat sa Dios sa Kan’yang gabay,
Palagi, Siya’y umaalalay.
Iniingatan N’ya ating buhay,
S’ya’y mapagmahal, tunay na tunay.
Tayo’y nagkukulang, tunay ito.
Ngunit Siya’y mapagtiis, opo.
S’ya’y ating alayang buong puso,
Gawang mabuti’t pag-pupuri po!
‘Wag tayong tatalikod sa Kan’ya.
Ang ating pag-asa’y tanging Siya.
Maglingkod tayo habang may hinga,
Kapatawara’y igagawad N’ya!
Ibigin mo nga ang Panginoon,
S’ya’y umakay sa ‘tin mula pa ‘non!
Sambahin Siya, bukas at ngayon,
Gaya ng mga unang panahon.
Kung ika’y nagkasala, magsisi!
H’wag nating husgahan ang sarili.
S’ya’y may habag sa nagkakamali,
Kung ‘di nananadya’t umuulit.
Ang tunay na Kristiano’y may awa,
Maging sa mga kaaway pa nga.
Kabangisan po’y wala sa kan’ya,
Inaralan kasi ng Dios Ama.
Ngayon, ako nga po’y tumutula.
Paumanhin na po sa abala.
Nasa ko’y magpuri sa Dios Ama.
Dahil sa mga kaloob Niya.
Ang amin pong tulang inihanda,
Sana’y nagdulot sa inyo’ng saya.
Nais nami’y paglingkuran Siya.
Lahat ng kapuriha’y sa Ama.
㊖㋕㋡㋾
- Eduard Kenneth Au
- Qur'm, Muscat, Oman
- I'm a peculiar geek. An unusual computer nerd. I don't like evil. I only hang out with friends that I know all about. I like being good. I enjoy being a Christian. Though I am tall physically, I am small in reality. I am nothing compared to my brethren. I love them so much! I miss them all!!! My brethren are cool, and by cool, I mean totally sweet!!!